nung si nene ay bata pa paglalaeo ang palagi niyang ginagawa..hindi pa nasikat ang araw ay nasa kapitbahay na at siya na mismo ang gumugising sa kalaeo paea magbike sa parang..walang inatupag kundi ang mabike at sumakay sa kariton upang maglaro..nanghuhuli ng dalag sa baha pagkatapos umulan..yan siya noon...noong naging 11 taong gulang na siya ay nahiwalay na siya sa kanyang pamilya...lumipat sila sa bukid at si nene naman ay tumira sa kanyang tiya..naging masarap ang buhay niya doon pagkat siya ay doñah..lahat ng hingin ay ibinibigay..noong nakatapos siya ng elementarya kinuha na siya ng kanyang ina...ang hirap pala sa bukid tumira...wala man lamang ilaw kundi lampara...ang palikuran ay hukay at ang nagtatakip lamang ay sako at palapa ng niyog...hindi nakatiis sa ganoong buhay si nene, bumalik siya sa tiyahin niya..sa kanyang pagpasok ay may nakaaway siyang guro...at doon nagsimulang maloko sa pagaaral..wala siyang nagawa nung kunin na siya ng kanyang ina...hirap man ang loob ay sumama dsiya s bukid...kuh!..anong hirap ng lagayu niya nene doo...talagang pinipigil niyang hindi dumumi wag lang doon sa hukay pumunta...pati napkin ay wala..panty na luma ang ginagamit..hirap ng buhay niya...wala na siyang ginawa kundi ang umiyak at magmukmok na lamang...
hanggag sa dumating ang kanyang kuya galing saudi,,,pagkatuwa ni nene dahil ipinagawa ang bahay kubo nila,,at wag ka pati ang cr ay naging sosyal na..wala ng hukay..sa bowl na talaga..pati tubig ay hindi na igib..at nagpakabit na ng kuryente..nagamit din ang tv na matagal ng nakastock sa kwarto nila..sibilisado na..pati napkin ay may tinda na sa tindahan, hindi na luluwas ng bayan para lamang sa isang balot ng napkin..nung 1st year high school na ss nene...nakaramdam ito ng kilig...aba ay umubig ang loka..ke bata pa ay umibig sa isang lalake na kalahati ang tanda sa kanya...kainaman na..nung una ay palihim pa...palihim na pagkikita at palihim na nagbibigayan ng sulat hanggang sa may nakabasa at biglang nalaman ng kanyang ina...at wag ka, ikakasal sila...tatapusin lamang ang pagaaral sa high school at magpapakasal na sila..itong tangang si nene ay hindi alam na ganon na pala ang napagusapan sa pamilya..kaya pala dunating sa kanila ang magulang ng lalake ay mamamanhikan na pala..ay biglang isang araw ay naumpog ang ulo ni nene at ayaw na sa magiging asawa...ayun naghiwalay sila at di na naibigti sa lalake..sayang lamang yung singsing na binigay ni lalake, ay tunay na ginto pa naman ay biglang ibinalik..naisangla sana..at doon nagsimula ang maligayang araw niya bilang dalaga...
sa mga kaklase niya siya natutong uminom ng alak...ay kainaman..di man lamang nalkasing sa 4 na bote ng gin na nakahain...lakas tumoma..at nun din nagkaboyfriend siya ulit...isang linggo lamang nanligaw ay umoO na si nene..pero sa awa ng Dios ay nakaabot naman ng 5 buwan ang relasyon..nung 4th year na sioya ay may nangyari sa mahal niyang ama...nagkaroon ng cancer ang ama ni nene dahil sa complikasyon ng kidney nito..nung araw ng graduation niya ay wala ang kanyang nga ama at ina, nasa ospital at di pa makalabas..malungkot noon si nene dahil mahal niya ang ama..hanggang dumating ang oras na nawala na sa mundo ang ama..wala ng magtatanggol sa kanya sa mura ng ina..malungkot pero kailangang lumaban..napatigil sa pagpasok sa colegio ng mahigit 3 taon..yung buhay noon sa tiyahin ay nawala..naging maglalaba ng pamilya..7 tao ang pinalalaba at palaging gabundok ang labada..e e, kainaman na..
nung siya ay pinapasok ng kapatid sa colegio ay parang wala pa siyang gana, siguro ay dahil matanda na siya..at puro rally kabikabila sa eskwela..huminto uli siya g pagpasok,,talagang tamad nga itong si nene..nagkaboyfriend pa ng 2 sa text..nakita ang isa pero ang isa ay babae pala..naloko siya..kaya pala hindi magpakita ang loka kay nene wala palang ibubuga..at pareho pala sila ng dala-dala..at sa wakas ay maging matino na ang loka...siya ngayon ay pumapasok na ulit at wag ka..ngayong taon ay gagraduate na siya..sa kagustuhang may mapatunayan ay ito nga ang magkakadiploma na...tunay yan ha..at may lalake nang talagang lalake nga na nagmamahal sa kanya,..ito ang buhay ni nene,,para sa iba ay boring pero totoong nangayayrio...
Tuesday, September 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
drama naman ng buhay ni nene...
naluha ako sa kakatitig sa screen eh...
maganda yan...
=)
kaso mas maganda ako..
hehehe
pispis
Post a Comment